Thursday, October 6, 2011




nakaka-miss din pala ang magkaroon ng crush na nakikita mo talaga ng personal. yung bang normal na tao rin gaya mo. hindi isang idol o sikat na aktor o kung ano pa man.


nakakatawa kung paano para kang kasali sa alay-lakad dahil talagang maglilibot ka para lang mahanap at makita mo siya. o kaya naman halos mabali na leeg mo kaka-'look left, look right' para lang mai-spot-an siya. tapos kahit na mas mahaba pa yung oras ng paghahanap o pag-aabang mo kaysa sa pagkakita mo sa kanya, masaya ka na--kahit pa nga side view o back view lang, ayos na. kuntento ka na rin. pero syempre, mas bongga kapag natiyempuhan mong nakaharap talaga siya at nakangiti. napapangiti ka rin. sumasaya ka. siya kasi, kumbaga, ang highlight ng araw mo. lalo na kung masama ang loob mo, ang makita siya ang nakapagpagagaan ng mga hinanakit mo.

haay. ang tagal na rin talaga ata ng huli kong naranasan ang ganun.

ang tanda ko na. -.-'

No comments:

Post a Comment